Saturday, August 4, 2018

Ang Mundo'y Kung Saan Lahat ay Nagkakaintindihan

     Ang wika ay sadyang ibinigay ng Diyos sa atin. Napakaraming mga wika, dumidipende ito sa kung saan tayo naroroon. Hindi ko maisip kung bawat tao ay may sariling wika, dahil malabo tayong magkakaintindihan. Ang wika ay napakahalaga, nasasabi nating ang gusto nating sabihin sa ating kauri at ito'y naiintindihan nila. Kung wala ang wika, wala tayong, tinatawag na komunikasyon.

       Sa panahon ngayon ang wikang Ingles na ang sa tingin ko, pinaka prominente na wika sa buong daigdig. Ngunit karamihan sa Pilipinas ay nahihirapan mag Ingles. Sa kadahilanang nasanay na sila sa ating sariling wika o naimpluwensyahan  na sila ng kanilang mga ninuno. Ganoon na rin sa edukasyon ngayon. Maraming mga estudyante na Filipino ngayon na nahihirapan dahil karamihan sa mga paksa na itinuturo ng mga guro ay Ingles. Buti nalang, may Google, kung saan dito sila nagsa-saliksik sa mga impormasyon na kanilang kailangan, at higit sa lahat, maaari ng i translate sa Pilipino ang Ingles, para mas napapabilis na ang pagsaliksik, di lang sa mga estudyante, pati na rin sa iba pang mga Filipino.

    Ang google ay isang site o app na maaaring puntahan upang makapagsaliksik ng mga impormasyon. Ito ay napaka importante ngayon sa mga Filipino, lalo na sa mga estudyante. Ngayong Buwan ng Wika; Wika ng Pagsaliksik. Ito ay nagaganap tuwing Buwan ng Agosto, taon-taon. Sa tingin ko ang ibig sabhin ng tema ay, kung papaano nakatutulong ang ating sariling wika, kung tayo ay nagsa-saliksik. Kung ito man ay maitatanong sa akin, ito ay nakatutulong, dahil alam natin na maraming Filipino ang mahirap mag-Ingles o nakakaintindi nito. Ngunit, dahil sa ating teknolohiya ngayon, patungo dito, maaari na itong matulungan ang mga Filipino at iba pang mga bansa na di nakakaintindi ng Ingles. Sa pamamagitan rin nito, naibabahagi ang kaalaman sa mundo at nagkakaroon ng pagkilala sa sarili at maipagmamalaki kung kaya nabubuhay pa rin ang ating pagka-makabayan.

       Sa pamamagitan nito, isang araw, lahat na ng mga tao ay magkakaintindihan, maaaring ang mundo na rin ay mababago, marami na rin tayong matututunan, at naririyan pa rin ang ating pagka-makabayan. Ang ating wika ay di mawawala, ang wikang Pilipino.
     

5 comments:

  1. HypeBeast kang bata ka! Napakahusay !

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Hindi nakakabagot basahin ang iyong akda. Ang pamagat ay kasingganda ng nilalaman nito.

    ReplyDelete
  4. Kay ganda ng iyong artikulo Justinnn:)
    Dapat din na pahalagahan at ingatan ang ating wika para sa ikauuunlad ng ating bansa.

    ReplyDelete

I'm Ambiguous, yet.

  I am already a grade 10 student, yet I still don't know what my dreams are, is that bad? is it already too late? will I still have ...